Alamin: Ang mga paborito mong salita sa Wikang Filipino
Madalas ka bang maka-engkwentro ng mga salitang Ingles na walang direktang salin sa Wikang FIlipino? Huwag kang mag-alala, inalam namin ang dalawampu (20) sa mga madalas gamiting salitang Ingles at isinalin namin sa Wikang FIlipino.
Dagdag kaalaman, apat na probisyon sa Artikulo XIV ng 1987 Konstitusyon ang tungkol sa wika. Sa Sek. 6 hanggang Sek. 9 ng nasabing artikulo ay nakasaad ang ganito –
“SEK. 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa Sistemang pang-edukasyon.
The Manila times